Saturday, June 28, 2008

Fantastic Man

"Love doesn't walk away, people do."

Totoo.

Nakita ko kanina kung papaano nadurog ang puso ni Mico.

Fuck, pare. Durog na durog. More than what you can imagine, dude.

Hindi ko na matandaan talaga yung mga nangyari e. Kasi, tangina, may amats na ako nun e. Pero, ang natatandaan ko, sa kanya yung last shot.

Tapos umiyak siya. Tinanong ko kung bakit, sabi niya ganito: Fine, dude! sabi niya mahal din niya ako. Ako ang priority niya hindi 'yung career niya! Bullshit di'ba, pare? Sinabi niya yun e. Dude, pangit ba ako? Kung ayaw na niya, fine!

Sabi ko naman sa kanya: Tama na yan pare. Ang dami daming babae. Tangina, dude, let's get it on!

Pero umiiyak pa rin siya. Tapos tumayo siya. Akala ko susuka. Tapos tumayo siya sa may plant box. Sabi niya: Pare, ayoko na. Bahala na siya kung ayaw na niya. Tangina niya. Hindi na ako masasaktan, dude. Hindi na. Dahil ako si Fantastic Man.

Tapos natawa ako, sabi ko: Pare, si Fantastic Man, malaki tite!

Tapos tumayo na ako. Nagugutom na kasi ako nun. Nung papasok na ako, sasabihin ko sana: Mico, luto tayong pansit cant -

Ta's lumingon ako. Wala na si Mico.

Nahulog na.

Pare, kitang kita ko. Durog na durog. Dude, ikaw na, mula 9th floor.

Durog talaga. As in.

Ang masasabi ko lang, dude: Fuck you, Angel Locsin! Bitch!

Friday, June 27, 2008

Sa Cafe

kapag kinakantot ka ng malas, wala ka nang magagawa.

naranasan mo na 'yun, hindi ba?

oo, mapapamura ka nang malakas.

buti na lang hindi tayo mabubuntis.

papaano nga ba kung suwertehin ka? siguro, hindi mo na ako maaalala.

huwag mo akong tignan nang ganyan. para ka namang nakakaloko e.

sagutin mo, makakalimutan mo ba ako?

kung isang daan at pitumpu't tatlong milyon, mapanalunan mo? o mapulot?

alam ko na, dadalhin mo ang syota mo sa ibang bansa. kakain kayo ng pinakamasasarap na pagkain sa buong mundo. ipaparebond mo ang buhok niya. bibili ka ng bahay, kotse, tsaka magagarang damit.

at magkakantutan kayo maghapon, magdamag.

stir! pag-aaralin mo ang kapatid mo? e tapos na 'yun sa kolehiyo a? ibibigay mo sa pamilya mo?

tapos bibigyan mo ako ng balat na sapatos?

huwag mo nga ako lokohin.

o, bakit mo ako nginingitian nang ganyan?

tangina.

kanina ko pa gustong sabihin sa'yo na kinakalyo na ang kaliwang kamay ko,

sa pagkatok sa kahoy

tuwing maiisip kong baka hindi mo ako gusto.

Saturday, June 14, 2008

elehiya

Limang bala. Sinigurado na.

Sa may tapat ng Jollibee, sa Tandang Sora.

"Putanginang mga pulis 'yan! Mga hudas ang mga putangina!" sabay takbo.

Pagdating sa East Avenue Medical Hospital, dead on arrival na siya.

Hindi ko alam kung saan ko dadalhin ng hinagpis ko sa pagkamatay ni Pabs.

Iisang larawan lang ang natirang katibayan na naging masaya kaming dalawa sa piling ng isa't isa. Hindi man iyon makulay, pero sapat na sa akin ang makitang nakangiti siya.

Nasa burol ang tunay niyang asawa't kambal niyang mga anak. Kumpleto ang mga kamag-anak niyang nagmamahal sa kanya.

"Kape, mayroon bang kape? Meron din bang juice?"

Pinipilit ngumiti. Para pigilan ang nangingilid na luha.

Tama si Pabs. Kadalasan, mas napapaiyak tayo, sa harap ng ibang tao, sa pinakamababaw na dahilan. Iyon ang pagiging mahina.

Hindi pa ito ang huli. Ililibing pa siya. Doon na siguro ako iiyak.

Kapag inaalala ko ang mga nangyari, natatawa ako.

Pero tiyak kong hindi iyon biro.

"Inabangan na talaga siya ano? Hindi na nakatakbo."

Si Pabs ang nagturo sa akin lumakad nang mabilis - hindi tayo hihintayin ng oras Maya, kaya bilisan mo maglakad. Pero hindi kailangan tumakbo nang matulin. Sabi niya, makakarating rin naman sa paroroonan nang hindi pagod. Kailangan lang sabayan ng mga paa ang pagkampay ng mga kamay ng orasan para makarating sa tamang oras, kung hindi mahuhuli ka kahit magmadali ka pa.

"Bata pa, 29 anyos lang. Sa bagay, ganoon nga siguro talaga, kapag oras mo na, wala ka nang magagawa."

Totoo. Nakakatawa ang mga pangyayari. Pero kahit kailan naman walang nakaaaliw na biro ang tadhana.

"Parang natutulog lang ano? Dagdagan pa ninyo ng sisiw para makunsensya ang gumawa nito sa kanya nang todo-todo. Tiyak, hindi makakatulog iyon."

Papaano ko ibubulong kay Pabs na hindi ko katatamaran ang pag-iisip sa kanya. Mula sa paggising hanggang sa pagtulog. Papaano pa niya malalaman.

Naririto na ako. Dito lang ako. Sasabay ako sa pagkampay ng mga kamay ng orasan para makarating ako sa tamang oras. Magkikita kami. Sa tagpuan namin tuwing tag-ulan. Para pagdating ng tag-init, magiiba na ang ihip ng hangin.

"O, papaano aalis na ako. Heto ang kaunting halaga, makakatulong rin ito kahit papaano. Kung may maitutulong pa ako i-text na lang po ninyo ako: 0917-101-MAYA. Balitaan niyo ako."

Friday, June 13, 2008

unang hirit

ito na siguro ang pangalawa sa malawak na espasyo na pwede kong pagsulatan, sunod sa papel.

hindi pa nga siguro ako handa para dito. ito ang una kong entry at mahiyain pa ako.

pero baka bukas, o sa mga susunod na pagkakataon, mabawasan ang pagkamahiyain ko. baka may masabi na akong mas maganda.

kumakanta ako habang nagsusulat nito. dahil malungkot ako. sa tingin ko, isa iyon sa napakaraming dahilan kung bakit nagsusulat ang karamihan sa mga tulad nito: blogs.

pero hindi na ako mandadamay ng iba sa kalungkutan ko - sa lovelife, sa pera, sa pamilya (kapag hindi iyan ang mga problema mo, pakamatay ka na..hahahaha..biro lang..isang matinding biro).

lalala..because i'd still say yes to you again, my darlin' for you i'll do it over and over again...