Monday, August 3, 2009

>Sa entry na 'to, gusto ko lang magmura. Kasi asar na asar na ako sa buhay ko. Kapag pinipilit kong umayos, kusa namang gumugulo.

1. Trabaho.

Hindi na nga ako umaabsent, hindi na nga ako nalelate, napapagalitan pa rin. Bumabaha pa rin ng IR sa lamesa ko. Nauubos na lang ang tinta ng bolpen ko kakapirma sa mga tanginang IRs na yan!

Uwian kagabi, nakiusap sa akin yung katrabaho ko kung pwedeng i-punch out ko na lang yung timecard nya dahil nagmamadali sya pauwi. Dahil kaibigan ko naman sya, edi sige. Sinigurado ko namang malinis ang trabaho. Maayos kong isinauli ang timecard nya sa pwesto, pati na rin yung time card ko pagkatapos kong magpunch-out. Akala ko ok na.

Paglabas ko ng elevator, nakasalubong ko si dear-friend-making-pakisuyo-to-punch-out-her-time-card. At sa abot ng makakaya ng boses nya ay tinanong ba naman niya ako kung "na punch out mo na ba yung time card ko?" Boom. Yung Boss ko, nasa likod ko pala.

Shet! IR.

Tapos, kinabukasan, sa sama ng loob ko dahil may IR akong piniprint ng Boss ko eh napayuko ako't napapikit. Iniisip kung papaano ako babangon ulit at patutunayan sa Boss ko na hindi ako pasaway by nature. Dumaan naman yung isang Boss na Koreanong bwakanangshet yan, sleeping daw ako! Tangina talaga!

Fuck! IR.

2. Bahay

WTF?!? Lakas ng ulan. Papaano ako makakauwi nito. Walang payong, walang jacket. Pagdating ko sa pa sa bahay, malamang sermon na naman ang abot ko nito sa ermats ko. Shet. Bakit wala kang payong? Sigarilyo nakakabili ka, payong na kahit tig-singkwenta hindi ka makabili! Sinabi ko na kasi sa'yo na magdala ka ng jacket! Ahhh! Oh my Mother, please don't!

Tapos wala nang ulam.

3. Pag-ibig

Ito ang pinaka-what the fuck! sa buhay ko. Leche. Unrequited shit.


> Tanginang buhay to. Bwiset!