Friday, June 27, 2008

Sa Cafe

kapag kinakantot ka ng malas, wala ka nang magagawa.

naranasan mo na 'yun, hindi ba?

oo, mapapamura ka nang malakas.

buti na lang hindi tayo mabubuntis.

papaano nga ba kung suwertehin ka? siguro, hindi mo na ako maaalala.

huwag mo akong tignan nang ganyan. para ka namang nakakaloko e.

sagutin mo, makakalimutan mo ba ako?

kung isang daan at pitumpu't tatlong milyon, mapanalunan mo? o mapulot?

alam ko na, dadalhin mo ang syota mo sa ibang bansa. kakain kayo ng pinakamasasarap na pagkain sa buong mundo. ipaparebond mo ang buhok niya. bibili ka ng bahay, kotse, tsaka magagarang damit.

at magkakantutan kayo maghapon, magdamag.

stir! pag-aaralin mo ang kapatid mo? e tapos na 'yun sa kolehiyo a? ibibigay mo sa pamilya mo?

tapos bibigyan mo ako ng balat na sapatos?

huwag mo nga ako lokohin.

o, bakit mo ako nginingitian nang ganyan?

tangina.

kanina ko pa gustong sabihin sa'yo na kinakalyo na ang kaliwang kamay ko,

sa pagkatok sa kahoy

tuwing maiisip kong baka hindi mo ako gusto.

No comments: