Wednesday, October 20, 2010

ito ang trip




Kanina, para akong nakasakay sa roller coaster.

Mabilis tumakbo ang bus na sinakyan ko. Pero si Manong drayber, relaks na relaks lang.

Halos mapunit na ang mukha ko sa lakas ng hanging sinasalubong ko mula sa bintana.

Malas, dahil sira ang bintana ng napwestuhan ko. Hindi ko maisara.

Kadalasan, natutulog ako sa biyahe. Pero hindi sa pagkakataong ito.

Paulit ulit na sinasampal ng buhok ko ang pisngi ko, parang sinasabing, "Gumising ka, huwag na huwag kang matutulog dahil baka magising ka na lang sa impyerno!"

Hindi lang siguro ako ang aksidenteng nakapagdasal na sana ay makarating kami sa paroroonan nang ligtas.

Bad trip.

Huminto ang bus.

Sabay sabi ng drayber, "O, yung mga kinakabahan diyan, bumaba na."

No comments: